Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 3

JUAN 3:26-35

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
26Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya “Rabi, yung kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya.”
27Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit.
28Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo' sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya.”
29Ang kasama ng ikakasal na babae ay ang ikakasal na lalaki. Ngayon ang kaibigan ng ikakasal na lalaki, na siyang nakatayo at nakikinig, ay labis ang tuwa dahil sa tinig ng ikakasal na lalaki. Ito ngang aking kagalakan ay naging ganap.
30Siya ay dapat maitaas, subalit ako ay dapat maibaba.
31Ang mula sa kaitaasan ay nakatataas sa lahat. Ang taga lupa ay nagmula sa lupa at nagsasalita ng mga bagay na makalupa. Ang mula sa langit ay nakatataas sa lahat.
32Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo.
33Ang tumanggap sa kaniyang patotoo ay pinatunayan na totoo ang Diyos.
34Dahil ang sinumang ipinadala ng Diyos ay ipinapahayag ang mga salita ng Diyos. Dahil hindi niya ibinigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
35Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay.

Read JUAN 3JUAN 3
Compare JUAN 3:26-35JUAN 3:26-35