Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 3

JUAN 3:19-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
19Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.
20Dahil ang sinuman na gumagawa ng masama ay galit sa liwanag at hindi lumalapit sa ilaw upang ang kaniyang mga gawa ay hindi malantad.
21Subalit ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa liwanag upang ang kaniyang mga gawa ay malinaw na makita at ang mga iyon ay naganap dahil sa pagsunod sa Diyos.”
22Pagkatapos nito, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa lupain ng Judea. Doon siya ay naglalaan ng panahon kasama nila at nagbabautismo.
23Ngayon si Juan din ay nagbabautismo sa Enon malapit sa Salim dahil higit na marami ang tubig doon. Lumalapit sa kaniya amg mga tao at sila ay nababautismuhan,
24dahil hindi pa naipatapon sa bilangguan si Juan.
25Pagkatapos ay may lumitaw na alitan sa pagitan ng ilang alagad ni Juan at sa isang Judio tungkol sa seremonya ng paghuhugas.
26Pumunta sila kay Juan, at sinabi nila sa kanya “Rabi, yung kasama mo sa ibayo ng ilog Jordan, na iyong pinatotohanan, tingnan mo, nagbabautismo siya at pumupunta ang lahat sa kaniya.”
27Sumagot si Juan, “Walang anumang bagay ang tatanggapin ng isang tao maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa kaniya mula sa langit.
28Kayo mismo ang makapagpapatunay na sinabi ko, 'Hindi ako ang Cristo' sa halip sinabi ko, 'Isinugo ako bago pa siya.”

Read JUAN 3JUAN 3
Compare JUAN 3:19-28JUAN 3:19-28