Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 3

JUAN 3:1-17

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ngayon mayroon isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo, kasapi ng Konseho ng Judio.
2Pumunta ang taong ito kay Jesus nang bandang gabi, at sinabi niya “Rabi, alam namin ikaw ay isang guro galing sa Diyos dahil walang sinumang makagagawa ng mga tandang ito na ginawa mo maliban na nasa kaniya ang Diyos.”
3Sumagot si Jesus sa kanya, “Tunay nga, maliban kung isilang muli ang isang tao hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.”
4Sinabi ni Nicodemo sa kaniya, “Paano ipapanganak ang isang tao kung siya ay matanda na? Hindi na siya pwedeng pumasok sa pangalawang pagkakataon sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak, kaya ba niya?”
5Sumagot si Jesus, “Tunay nga, maliban kung ipinanganak ang isang tao sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.
6Iyong ipanganak sa laman ay laman, at iyong ipanganak sa Espiritu ay espritu.
7Huwag kayong mamangha na sinabi ko sa inyo, 'Dapat kayong ipanganak muli.'
8Umiihip ang hangin kung saan niya gusto. Naririnig ninyo ang huni nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan ito nagmula o kung saan ito pupunta. Gayon din naman ang sinumang isilang sa Espiritu.”
9Sumagot si Nicodemo, sinasabi, “Paano mangyayari ang mga bagay na ito?”
10Sinagot siya ni Jesus, “Ikaw ba ay guro ng Israel, at hindi mo naiintindihan ang mga bagay na ito?
11Tunay nga, sinasabi namin iyong alam namin, at pinatotohanan iyong nakita namin. Subalit kayong mga tao, hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo.
12Kung sinabi ko sa iyo ang tungkol sa mga bagay na makalupa at hindi ka naniwala, paano ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na makalangit?
13Walang sinumang umakyat sa langit maliban ang bumaba mula sa langit, ang Anak ng Tao.
14Tulad ng pagtaas ni Moises ng ahas sa ilang, gayon din naman ang Anak ng Tao ay kailangang maitaas,
15upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
16Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
17Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.

Read JUAN 3JUAN 3
Compare JUAN 3:1-17JUAN 3:1-17