Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 2

JUAN 2:6-12

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Ngayon mayroon doong anim na mga banga ng tubig na ginagamit sa seremonya ng paghuhugas ng mga Judio, na ang bawa't isa ay naglalaman ng may dalawa hanggang tatlong metretes.
7Sinabi ni Jesus sa kanila, “Punuin ninyo ang banga ng tubig.” Kaya pinuno nila ang mga ito hanggang labi.
8Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, “Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi.” Kaya ginawa nga nila.
9Tinikman ng punong tagapag-silbi ang tubig na naging alak, ngunit hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ito ng mga lingkod na kumuha ng tubig). Pagkatapos ay tinawag niya ang lalaking bagong kasal
10at sinabi sa kaniya, “Ang unang hinahain ng bawa't isa ay ang mainam na alak at pagkatapos ay ang murang alak kapag ang mga tao ay lasing na. Ngunit itinira mo ang napakainam na alak hanggang ngayon.”
11Ang himalang ito sa Cana ng Galilea ay ang simula ng mga mahimalang tanda na ginawa ni Jesus, ipinapahayag ang kaniyang kaluwalhatian, kaya ang mga alagad ay nananampalataya sa kaniya.
12Pagkatapos nito, si Jesus, ang kaniyang ina, ang kaniyang mga kapatid, at ang kaniyang mga alagad ay pumunta pababa ng Capernaum, at duon nanatili sila ng mga ilang araw.

Read JUAN 2JUAN 2
Compare JUAN 2:6-12JUAN 2:6-12