Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 2

JUAN 2:14-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14Natagpuan niya sa templo ang mga nagbebenta ng mga baka, tupa at mga kalapati. Ang mga tagapagpalit ng pera ay naroroon din at nakaupo.
15Kaya gumawa siya nang isang panghagupit na lubid at pinaalis silang lahat palabas ng templo, pati na ang mga tupa at baka. Itinapon niya ang pera ng tagapagpalit ng salapi at itinaob ang kanilang mga mesa.
16Sinabi niya sa mga taga-benta nang kalapati, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Tigilan ninyong gawing palengke ang tahanan ng aking Ama.”
17Naalala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, “Ang sigasig para sa iyong tahanan ay tutupok sa akin.”
18Pagkatapos ay tumugon ang mga may katungkulang Judio, sinasabi sa kaniya, “Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?”
19Sumagot si Jesus, “Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito.”
20At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?”
21Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Read JUAN 2JUAN 2
Compare JUAN 2:14-21JUAN 2:14-21