Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 20

JUAN 20:2-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
2Kaya siya ay tumakbo at nagpunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na minamahal ni Jesus, at sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila ang katawan ng Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya dinala.”
3Kaya lumabas si Pedro at ang isa pang alagad at nagpunta sila sa libingan.
4Kapwa silang tumakbong magkasama, naunahan sa pagtakbo ng isa pang alagad si Pedro at naunang dumating sa libingan.
5Yumuko siya at tumingin sa loob; nakita niya ang telang lino na nakalatag doon, ngunit hindi pa siya pumasok sa loob.
6Pagkatapos ay dumating si Simon Pedro kasunod niya at ito ay pumasok sa loob ng libingan. Nakita niya ang mga telang lino na nakalatag doon
7at ang tela na dati ay nasa kaniyang ulo. Hindi ito kasamang nakalatag sa mga damit na lino ngunit ito ay nakabalumbon sa lugar kung saan ito nakalagay.
8At ang isa pang alagad ay pumasok rin, na unang dumating sa libingan; nakita niya at siya ay naniwala.
9Dahil hanggang sa mga oras na iyon hindi pa rin nila alam ang kasulatan na si Jesus ay dapat mabuhay na muli mula sa kamatayan.
10Kaya ang mga alagad ay umalis muli at umuwi sa kanilang mga tahanan.
11Gayunpaman si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na tumatangis; habang siya ay umiiyak, yumuko siya at tumingin sa loob ng libingan.
12Nakita niya ang dalawang anghel na nakaputing kasuotan na nakaupo, isa sa may ulunan, at ang isa sa may paanan, kung saan ang katawan ni Jesus ay inihiga.
13Sinabi nila sa kaniya, “Babae, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “Dahil kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.
14Nang sinabi niya ito, napalingon siya at nakitang nakatayo doon si Jesus, ngunit hindi niya alam na ito ay si Jesus.
15Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Babae, bakit ka tumatangis? “Sino ang hinahanap mo?” Akala niya na siya ang hardinero kaya sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung kinuha ninyo siya, sabihin ninyo kung saan ninyo siya inilagay at kukunin ko siya.”
16Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.”

Read JUAN 20JUAN 20
Compare JUAN 20:2-16JUAN 20:2-16