Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 19

JUAN 19:32-42

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
32At pumunta ang mga sundalo at binali ang mga binti ng unang lalaki at ng ikalawang lalaki na napako kasama ni Jesus.
33Nang pumunta sila kay Jesus, nakita nila na siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti.
34Gayunpaman, tinusok ng isa sa mga sundalo ang kaniyang tagiliran gamit ang sibat, at agad-agad lumabas ang dugo at tubig.
35Ang nakakita nito ay naging saksi at at ang kaniyang patotoo ay totoo. Alam niya na anuman ang kaniyang sinabi ay totoo upang kayo din ay maniwala.
36Ang mga bagay na ito ay nangyari upang ang kasulatan ay matupad, “Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto.”
37Isa pang kasulatan ay nagsabi, “Pagmamasdan nila siya na kanilang ipinako.”
38Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na taga Arimatea, dahil siya ay isa sa mga alagad ni Jesus, ngunit sa takot sa mga Judio ay palihim na hiniling kay Pilato kung maaari niyang kunin ang katawan ni Jesus. Binigyan siya ni Pilato ng pahintulot. Kaya pumunta si Jose at kinuha ang kaniyang katawan.
39Pumunta rin si Nicodemo, na siyang unang pumunta kay Jesus ng gabi. Nagdala siya ng pinaghalong mira at sabila, mga isang daang litras ang bigat.
40Kaya kinuha nila ang katawan ni Jesus at binalot ito ng telang lino na may kasamang mga pabango, ayun sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing ng mga katawan.
41Ngayon, sa lugar kung saan siya napako ay may isang hardin; at sa hardin na iyon ay may isang bagong libingan na kung saan ay wala pang tao na naililibing.
42Dahil ito ay araw ng paghahanda para sa mga Judio at dahil sa malapit lang ang libingan, inilagay nila si Jesus doon.

Read JUAN 19JUAN 19
Compare JUAN 19:32-42JUAN 19:32-42