Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 19

JUAN 19:16-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Pagkatapos, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang maipako.
17Kaya dinala nila si Hesus, at siya ay lumabas, pasan-pasan niya ang krus, tungo sa lugar na kung tawagin ay Ang Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgota.
18Doon nila ipinako si Jesus, kasama niya ang dalawa pang lalaki, isa sa magkabilang tabi, at nasa gitna si Jesus.
19Sumulat rin si Pilato ng karatula at inilagay ito sa krus. Ito ang nakasulat doon: SI JESUS Na TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20Maraming mga Judio ang nakabasa ng karatulang ito dahil ang lugar kung saan ipinako si Jesus ay malapit sa lungsod. Ang karatula ay naisulat sa Hebreo, sa Latin at sa Griyego.
21At sinabi ng mga pinunong pari ng mga Judio kay Pilato, “Huwag mong isulat, 'Ang hari ng mga Judio', sa halip ay ang sinabi niyang, 'Ako ang Hari ng mga Judio.'”
22Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko na ay naisulat ko na.”
23Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi.

Read JUAN 19JUAN 19
Compare JUAN 19:16-23JUAN 19:16-23