Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 19

JUAN 19:15-28

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Sumigaw sila, “ilayo ninyo siya sa amin, ilayo ninyo siya amin, ipako siya.” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Dapat ko bang ipako ang inyong Hari?” Sumagot ang mga pinunong pari, “Wala kaming ibang hari kundi si Cesar.”
16Pagkatapos, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang maipako.
17Kaya dinala nila si Hesus, at siya ay lumabas, pasan-pasan niya ang krus, tungo sa lugar na kung tawagin ay Ang Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgota.
18Doon nila ipinako si Jesus, kasama niya ang dalawa pang lalaki, isa sa magkabilang tabi, at nasa gitna si Jesus.
19Sumulat rin si Pilato ng karatula at inilagay ito sa krus. Ito ang nakasulat doon: SI JESUS Na TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20Maraming mga Judio ang nakabasa ng karatulang ito dahil ang lugar kung saan ipinako si Jesus ay malapit sa lungsod. Ang karatula ay naisulat sa Hebreo, sa Latin at sa Griyego.
21At sinabi ng mga pinunong pari ng mga Judio kay Pilato, “Huwag mong isulat, 'Ang hari ng mga Judio', sa halip ay ang sinabi niyang, 'Ako ang Hari ng mga Judio.'”
22Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko na ay naisulat ko na.”
23Pagkatapos ipako ng mga sundalo si Jesus, kinuha nila ang kaniyang kasuotan at pinaghatihati ng apat, isang bahagi sa bawat sundalo, at gayon din ang tunika. Ngayon ang tunika ay walang tahi, ito ay hinabi mula sa itaas at sa lahat ng bahagi.
24Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Huwag nating punitin ito, sa halip tayo ay magsapalaran para dito upang malaman natin kung kanino ito mapupunta.” Nangyari ito upang maganap ang kasulatan na nagsasabi, “Pinaghati-hatian nila ang mga kasuotan ko sa kanilang mga sarili, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran.”
25Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena— ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus.
26Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, “Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak.”
27Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, “Tingnan mo, narito ang iyong ina!” Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.
28Pagkatapos nito si Jesus, dahil alam niya na ang lahat ng mga bagay ay tapos na, upang ang kasulatan ay magkatotoo sinabi niya, “Ako ay nauuhaw.”

Read JUAN 19JUAN 19
Compare JUAN 19:15-28JUAN 19:15-28