Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 19

JUAN 19:1-21

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Pagkatapos kinuha ni Pilato si Jesus at nilatigo siya.
2Ang mga sundalo ay pumilipit ng mga tinik upang gumawa ng korona. Inilagay nila ito sa ulo ni Jesus at dinamitan siya ng kulay lilang na kasuotan.
3Lumapit sila sa kaniya at sinabi, “Bigyang parangal, ang Hari ng mga Judio!” At hinampas nila siya ng kanilang mga kamay.
4Pagkatapos ay lumabas muli si Pilato at sinabi sa mga tao. “Tingnan ninyo, inilalabas ko ang lalaki sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakitang kasalanan sa kaniya.”
5Kaya lumabas si Jesus; suot- suot niya ang koronang mga tinik at kulay lilang na kasuotan. Pagkatapos sinabi ni Pilato sa kanila, “Tingnan ninyo, narito ang lalaki.”
6Kaya nga nang makita ng mga pinunong pari at ng mga opisiyal si Jesus, sumigaw sila at sinabin, “Ipako siya! Ipako siya!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kayo na mismo ang kumuha sa kaniya at ipako siya sapagkat wala akong nakitang krimen sa kaniya.”
7Sumagot ang mga Judio kay Pilato, “Mayroon kaming isang batas, at sa pamamagitan ng batas na iyon dapat siyang mamatay dahil ginawa niya ang kaniyang sarili na Anak ng Diyos.”
8Nang marinig ni Pilato ang pahayag na ito, mas lalo pa siyang natakot,
9at pumasok siyang muli sa Pretorio at sinabi kay Jesus, “Saan ka nanggaling?” Subalit hindi siya binigyan ng sagot ni Jesus.
10Pagkatapos, sinabi ni Pilato sa kaniya, “Hindi ka ba magsasalita sa akin? Hindi mo ba alam na may kapangyarihan ako na palayain ka at kapangyarihan na ipapako ka?”
11Sumagot si Jesus sa kaniya, “Wala kang kapangyarihan laban sa akin maliban kung ito ay ibinigay sa iyo mula sa itaas. Kaya ang taong nagdala sa akin sa iyo ay may mas malaking kasalanan.”
12Sa sagot na ito, sinubukan ni Pilato na palayain siya, ngunit ang mga Judio ay sumigaw at sinabi, “Kung papalayain mo ang lalaking ito, ikaw ay hindi kaibigan ni Cesar: Lahat ng tao na ginagawa ang kaniyang sarili na isang hari ay nagsasalita laban kay Cesar.”
13Nang marinig ni Pilato ang mga salitang ito, inilabas niya si Jesus at umupo sa upuan ng paghuhukom sa lugar na tinatawag na Ang Entablado, ngunit sa Hebreo ay Gabbatha.
14Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!”
15Sumigaw sila, “ilayo ninyo siya sa amin, ilayo ninyo siya amin, ipako siya.” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Dapat ko bang ipako ang inyong Hari?” Sumagot ang mga pinunong pari, “Wala kaming ibang hari kundi si Cesar.”
16Pagkatapos, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang maipako.
17Kaya dinala nila si Hesus, at siya ay lumabas, pasan-pasan niya ang krus, tungo sa lugar na kung tawagin ay Ang Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgota.
18Doon nila ipinako si Jesus, kasama niya ang dalawa pang lalaki, isa sa magkabilang tabi, at nasa gitna si Jesus.
19Sumulat rin si Pilato ng karatula at inilagay ito sa krus. Ito ang nakasulat doon: SI JESUS Na TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.
20Maraming mga Judio ang nakabasa ng karatulang ito dahil ang lugar kung saan ipinako si Jesus ay malapit sa lungsod. Ang karatula ay naisulat sa Hebreo, sa Latin at sa Griyego.
21At sinabi ng mga pinunong pari ng mga Judio kay Pilato, “Huwag mong isulat, 'Ang hari ng mga Judio', sa halip ay ang sinabi niyang, 'Ako ang Hari ng mga Judio.'”

Read JUAN 19JUAN 19
Compare JUAN 19:1-21JUAN 19:1-21