Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 11

JUAN 11:37-41

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
37Pero sinabi ng ilan, “Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?”
38Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
39Sinabi ni Jesus, “Alisin ang bato.” Si Martha, na kapatid ni Lazaro na namatay, ay nagsabi kay Jesus, “Panginoon, sa mga oras na ito ang kaniyang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na ang nakalipas mula nang siya ay mamatay.”
40Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung ikaw ay maniwala makita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako.

Read JUAN 11JUAN 11
Compare JUAN 11:37-41JUAN 11:37-41