Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 11

JUAN 11:29-44

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
29Nang marinig ito ni Maria, mabilis siyang tumayo at pumunta kay Jesus.
30Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta.
31At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.
32Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, “Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
33Nang makita ni Jesus na siya ay umiiyak at ang mga Judio na kasama niya ay umiiyak din, naghinagpis ang kaniyang espirtu at nabagabag;
34sinabi niya, “Saan niyo sya inilibing?” Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, pumarito kayo at tingnan.”
35Si Jesus ay tumangis.
36Pagkatapos, sinabi ng mga Judio, “Tignan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro!”
37Pero sinabi ng ilan, “Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?”
38Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
39Sinabi ni Jesus, “Alisin ang bato.” Si Martha, na kapatid ni Lazaro na namatay, ay nagsabi kay Jesus, “Panginoon, sa mga oras na ito ang kaniyang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na ang nakalipas mula nang siya ay mamatay.”
40Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung ikaw ay maniwala makita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
41Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako.
42Alam ko na lagi mo akong pinakikinggan, pero ito ay dahil sa mga taong nakatayong palibot sa akin kaya sinabi ko ito, upang maniwala sila na isinugo mo ako.”
43Matapos niyang sabihin ito, sumigaw siya nang may malakas na boses, “Lazaro, lumabas ka!”
44Lumabas ang patay na lalaki, na nakabalot ang mga kamay at mga paa ng damit panglibing at ang kaniyang mukha ay nababalot din ng tela. Sinabi ni Jesus sa kanila, kalagan ninyo siya at pakawalan.”

Read JUAN 11JUAN 11
Compare JUAN 11:29-44JUAN 11:29-44