Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - JUAN - JUAN 11

JUAN 11:12-31

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling.
13Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog.
14Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, “Si Lazaro ay patay na.”
15Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya.
16Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus.”
17Nang dumating si Jesus, nalaman niya na apat na araw ng nasa libingan si Lazaro.
18Ngayon, malapit ang Bethania sa Jerusalem, mga labinglimang estadio ang layo.
19Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro.
20At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay.
21Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko.
22Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.”
23Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang kapatid mo ay babangong muli.”
24Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”
25Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?”
27Sinabi niya sa kaniya, “Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo.”
28Matapos niyang sabihin ito, umalis siya at tinawag si Maria na kaniyang kapatid, nang sarilinlan. Sinabi niya, “Narito ang Guro at ipinatatawag ka.”
29Nang marinig ito ni Maria, mabilis siyang tumayo at pumunta kay Jesus.
30Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta.
31At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.

Read JUAN 11JUAN 11
Compare JUAN 11:12-31JUAN 11:12-31