Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Joshua - Joshua 15

Joshua 15:14-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
14At pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong anak ni Anac: si Sesai, si Aiman at si Talmai, na mga anak ni Anac.
15At siya'y sumampa mula roon laban sa mga taga Debir: ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher.
16At sinabi ni Caleb, Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop, sa kaniya ko papagaasawahin si Axa na aking anak na babae.
17At sinakop ni Othoniel na anak ni Cenez, na kapatid ni Caleb: at pinapagasawa niya sa kaniya si Axa na kaniyang anak na babae.
18At nangyari, nang si Axa ay malakip sa kaniya, na kinilos nito siya na humingi sa kaniyang ama ng isang parang: at siya'y bumaba sa kaniyang asno, at sinabi ni Caleb sa kaniya, Anong ibig mo?
19At kaniyang sinabi, Pagpalain mo ako; sapagka't inilagay mo ako sa lupaing Timugan, ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig. At ibinigay niya sa kaniya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.
20Ito ang mana ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.
21At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
22At Cina, at Dimona, at Adada,
23At Cedes, at Asor, at Itnan,
24At Ziph, at Telem, at Bealoth,

Read Joshua 15Joshua 15
Compare Joshua 15:14-24Joshua 15:14-24