Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Joshua - Joshua 15

Joshua 15:1-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang pagtatakda ng lupain para sa lipi ng bayan ng Juda, ibinigay sa kanilang mga angkan, pinalawak ang timog hanggang sa hangganan ng Edom, kasama ang ilang ng Sin bilang pinaka-malayong dako sa timog.
2Ang kanilang hangganan sa timog ay sinimulan sa dulo ng Dagat ng Asin, mula sa dalampasigan na nakaharap sa timog.
3Ang sumunod na kanilang hangganan ay lumabas sa timog ng kaburulan ng Akrabbim at dumaan sa Sin, at umahon sa timog ng Kades Barnea, sa Hezron, at hanggang sa Addar, kung saan lumiko patungong Karka.
4Dumaan ito patungong Azmon, nagdaan sa batis ng Ehipto, at dumating ito sa dulo ng dagat. Ito ang kanilang hangganan sa timog.
5Ang silangang hangganan ay ang Dagat ng Asin, na nasa bibig ng Jordan. Ang hangganan sa hilaga ay nagsisimula sa dalampasigan ng dagat sa bibig ng Jordan.
6Umahon ito sa Beth Hogla at dumaan patungong timog ng Beth Araba. Pagkatapos umahon ito sa Bato ng Bohan (si Bohan ang anak na lalaki ni Reuben).
7Pagkatapos ang hangganang paahon sa Debir mula sa lambak ng Achor, at gayon din pahilaga, lumiliko patungong Gilgal, na kasalungat sa kaburulan ng Adummim, na nasa katimugang bahagi ng ilog. Pagkatapos ang hangganan na dinaanan sa mga bukal ng En Shemes at papuntang En Rogel.
8Pagkatapos ang hangganang paahon sa lambak ng Ben Hinnom patungo sa bahaging timog ng lungsod ng Jebuseo (iyon ay, Jerusalem). Pagkatapos paahon ito sa tuktok ng kaburulan na nasa lambak ng Hinnom, sa kanluran, na nasa dulo ng hilagang parte ng lambak ng Rephaim.
9Pagkatapos umabot sa hangganan mula sa tuktok ng mga burol papunta sa bukal ng Neptoa, at lumabas mula doon papunta sa mga lungsod ng Bundok Efron. Pagkatapos lumiko ang hangganan paikot sa Baala (pareho sa Kiriat Jearim).
10Pagkatapos umikot ang hangganan sa kanluran ng Baala sa Bundok Seir, at dumaan sa gilid ng Bundok Jearim sa Hilaga (pareho sa Kesalon), bumaba sa Beth Shemes, at dumaan sa Timna.
11Lumabas ang hangganan sa gilid ng pahilagang burol ng Ekron, at pagkatapos lumiko paikot sa Sikeron at dumaan sa Bundok Baala, mula sa kung saan papunta hanggang Jabneel. Nagtapos ang hangganan sa dagat.
12Ang Malaking Dagat ang hangganan ng pakanluran at ng mga dalampasigan nito. Ito ang hangganang paikot sa lipi ni Juda, angkan sa angkan.
13Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.)
14Pinalayas ni Caleb mula doon ang tatlong lipi ng mga kaapu-apuhan ni Anak: Sesai Aiman at Talmai, mga kaapu-apuhan ni Anak.
15Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper).
16Sinabi ni Caleb, “Ang lalaking lulusob sa Kiriat Seper at bibihagin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa ang aking anak na babae bilang isang asawa.”

Read Joshua 15Joshua 15
Compare Joshua 15:1-16Joshua 15:1-16