5ang lupain ng mga Gebalita, ang buong Lebanon patungo sa sikat ng araw, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.
6Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo.
7Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases.”
8Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
9mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
10lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita;
11Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca;
12ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
13Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.