Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Isaias - Isaias 1

Isaias 1:1-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
1Ang pangitain ni Isaias, anak ni Amos, na kaniyang nakita patungkol sa Judah at Jerusalem, sa mga araw ni Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, ang mga hari ng Juda.
2Makinig kayong mga langit, at pakinggan mo ako lupa; dahil nagsalita si Yahweh: “Nag-alaga at nag-aruga ako ng mga bata pero nagrebelde sila sa akin.
3Kilala ng baka ang nagmamay-ari sa kaniya, at alam din ng asno ang pakainan ng kaniyang amo, pero ang Israel hindi, hindi nakauunawa ang Israel.
4Nakalulungkot —ang mga bansa, mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali! Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya.
5Bakit pa kayo nasasaktan? Bakit pa kayo nagrerebelde nang paulit-ulit? May sakit ang inyong buong ulo, nanghihina ang buong puso niyo.
6Mula talampakan hanggang sa ulo, walang bahagi na katawan niyo ang walang pinsala; mga gasgas, at pasa at mga sariwang sugat; hindi sila nagsara, ni nilinisan, ni ginamot o nilagyan ng langis.
7Wasak ang bansa niyo; sinunog ang mga lungsod niyo; sa harapan niyo, sinisira ng mga dayuhan ang lupain niyo; iniwan nila itong wasak at sira-sira, pinabagsak ng mga dayuhan.
8Ang anak na babae ng Sion, iniwan na parang kubo sa ubasan, gaya ng isang silong sa hardin ng pipino, gaya ng isang lungsod na sinakop.

Read Isaias 1Isaias 1
Compare Isaias 1:1-8Isaias 1:1-8