Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Isaias - Isaias 10

Isaias 10:16-23

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
16Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
17Ang liwanag ng Israel ay magiging isang apoy, at ang kaniyang Banal ay alab; tutupukin niya ang mga damo at mga tinik sa loob lang ng isang araw.
18Tutupukin ni Yahweh ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ang kaniyang masaganang lupain, ang parehong kaluluwa at katawan, ito ay magiging tulad ng isang lalaking may sakit na unti-unting nawawalan ng buhay.
19Ang mga maiiwan na bahagi ng mga puno sa kaniyang kagubatan ay kakaunti lamang, na kaya itong bilangin ng isang bata.
20Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel.
21May mga naiwan kay Jacob ang babalik kay Yahweh.
22Kahit na ang iyong mamamayan, Israel, ay kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, kakaunti lamang mula sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naitalaga na, ayon sa hinihingi ng nag-uumapaw na katuwiran.
23Dahil ipapatupad na ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo, ang hatol na wasakin ang lupain.

Read Isaias 10Isaias 10
Compare Isaias 10:16-23Isaias 10:16-23