Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 7

Awit ni Solomon 7:6-11

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Kay ganda at kaibig-ibig mo, nag-iisang minamahal, kasama ang iyong kagalakan!
7Ang iyong taas ay katulad ng isang puno ng palmang datiles, at ang mga dibdib mo ay tulad ng mga kumpol na bunga.
8Iniisip ko, “Nais kong akyatin ang punong palmang iyon; Ako ay hahawak sa mga sanga nito.” Nawa maging katulad ng kumpol na mga ubas ang iyong mga dibdib, at nawa ang halimuyak ng iyong ilong ay maging katulad ng mga aprikot.
9Nawa ang iyong bibig ay maging katulad ng pinakamasarap na alak, banayad na dumadaloy sa aking minamahal, dumudulas sa ating mga labi at mga ngipin. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig.
10Ako ay sa aking minamahal, at ninanais niya ako.
11Lumapit ka, aking minamahal, lumabas tayo sa kabukiran; hayaan nating magpalipas ng gabi sa mga nayon.

Read Awit ni Solomon 7Awit ni Solomon 7
Compare Awit ni Solomon 7:6-11Awit ni Solomon 7:6-11