3Pag-aari ako ng aking mangingibig, at pag-aari ko ang aking mangingibig; nanginginain siya sa mga liryo na may kasiyahan. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniya sarili.
4Kasing ganda mo ang Tirsa, aking mahal, kasing kaibig-ibig tulad ng Jerusalem, kahanga-hanga katulad ng isang hukbo na may mga bandera.
5Ilayo mo ang iyong paningin mula sa akin, dahil ako ay nadadaig ng mga ito. Ang iyong buhok ay tulad ng isang kawan ng mga kambing na bumababa mula sa mga libis ng Bundok ng Galaad.
6Ang mga ngipin mo ay katulad ng kawan ng mga babaeng tupa na umaahon mula sa lugar na pinagliguan ng mga ito. Bawa't isa ay may kakambal, at wala isa man sa kanila ang namatayan.
7Ang mga pisngi mo ay tulad ng kabiyak na granada sa likuran ng iyong belo. Ang mangingibig ng babae ay nagsasalita sa kaniyang sarili.