Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 4

Awit ni Solomon 4:12-16

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
12Aking kapatid, babaeng aking pakakasalan ay isang harding nakakandado, isang harding nakakandado, isang bukal na nakasarado.
13Ang mga sanga mo ay isang kahuyan ng mga puno ng granada na may piling bunga, at ng hena at mga halamang nardo,
14Pakong nardo at safron, kalamo at kanela kasama ang lahat ng mga uri ng sangkap ng pabango, mira at mga aloe kasama lahat ng pinakamainam na mga sangkap ng pabango.
15Ikaw ay bukal sa hardin, isang balon na may sariwang tubig, mga batis na umaagos pababa mula sa Lebanon. Ang dalaga ay nagsasalita sa kaniyang mangingibig.
16Gumising ka, hanging hilaga; lumapit ka hanging timog; umihip ka sa aking hardin para itong mga sangkap ng pabango ay maaaring maglabas ng kanilang halimuyak. Nawa ang aking minamahal ay pumarito sa kaniyang hardin at kumain ng ilang piling bunga nito.

Read Awit ni Solomon 4Awit ni Solomon 4
Compare Awit ni Solomon 4:12-16Awit ni Solomon 4:12-16