Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 3

Awit ni Solomon 3:4-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Ilang sandali palang ang nakalipas pagkatapos ko silang malampasan nang natagpuan ko siya na minamahal ng aking kaluluwa. Hinawakan ko siya at hindi siya binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, sa silid ng nagbuntis sa akin. Nagsasalita sa ibang kababaihan ang babae
5Nais kong mangako kayo, mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem, kasama ng mga gasel at mga babaing usa sa parang, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
6Ano iyon na dumarating mula sa ilang tulad ng isang hanay ng usok, pinabanguhan ng mira at kamanyang, kasama ng lahat ng mga pulbos na ipinagbili ng mga mangangalakal?
7Tingnan mo, ang arag-arag ni Solomon na binubuhat; animnapung mga mandirigma ang nakapaligid dito, animnapung mga sundalo ng Israel.
8Sila ay mga dalubhasa sa espada at bihasa sa digmaan. Bawa't lalaki ay may espada sa kaniyang tagiliran, armado laban sa mga kilabot ng gabi.
9Ginawan ni Haring Solomon ang kaniyang sarili ng isang upuan na yari sa kahoy na Sedan na mula sa Lebanon.
10Ang mga poste nito ay gawa sa pilak, ang likuran ay gawa sa ginto, at ang upuan sa lilang tela. Ang panloob nito ay pinalamutian ng may pag-ibig ng mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem. Nagsasalita sa ibang kababaihan ng Jerusalem ang dalaga.

Read Awit ni Solomon 3Awit ni Solomon 3
Compare Awit ni Solomon 3:4-10Awit ni Solomon 3:4-10