Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 2

Awit ni Solomon 2:9-14

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
9Ang aking minamahal ay tulad ng isang gasel o isang batang lalaking usa, masdan mo, siya ay nakatayo sa likod ng aming pader, sumisilip sa bintana, sumusungaw sa sala-sala.
10Ang aking minamahal ay nagsalita sa akin at nagsabi, “Bumangon ka, aking mahal; aking magandang sinta, sumama ka sa aking pag-alis.
11Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na.
12Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
13Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
14Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae

Read Awit ni Solomon 2Awit ni Solomon 2
Compare Awit ni Solomon 2:9-14Awit ni Solomon 2:9-14