Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Awit ni Solomon - Awit ni Solomon 2

Awit ni Solomon 2:11-15

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
11Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na.
12Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
13Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
14Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
15Hulihin ang mga soro para sa atin, ang mga maliliit na soro na sumisira ng mga ubasan, dahil ang ating ubasan ay namumulaklak.

Read Awit ni Solomon 2Awit ni Solomon 2
Compare Awit ni Solomon 2:11-15Awit ni Solomon 2:11-15