Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 7

Ang Mangangaral 7:20-29

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
20Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ng mundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala.
21Huwag mong pakinggan ang bawat salitang sinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ng alipin mo sa iyo.
22Sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpa ang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na sa iyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.
23Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko.
24Napakalayo at napakalalim ng karunungan. Sino ang makakahanap nito?
25Ibinaling ko ang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksik sa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan, at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at ang kamangmangan ay kabaliwan.
26Natuklasan ko na mas mapait kaysa kamatayan ang sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalanan ay makukuha niya.
27“Pag-isipan kung ano ang aking natuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan.
28Ito pa rin ang aking hinahanap, ngunit hindi ko pa rin ito natatagpuan. May natagpuan akong isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ngunit hindi ko natagpuan ang isang babae sa kanilang lahat.
29Natuklasan ko ang isang ito: na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan na matuwid, ngunit sila ay lumayong naghahanap sa maraming kahirapan.

Read Ang Mangangaral 7Ang Mangangaral 7
Compare Ang Mangangaral 7:20-29Ang Mangangaral 7:20-29