Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 7

Ang Mangangaral 7:15-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
15Nakita ko ang maraming bagay sa aking walang kahulugang mga panahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalaho sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroong masasamang taong nabubuhay nang mahabang buhay kahit na sila ay masama.
16Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
17Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
18Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.
19Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
20Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ng mundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala.
21Huwag mong pakinggan ang bawat salitang sinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ng alipin mo sa iyo.
22Sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpa ang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na sa iyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.
23Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko.
24Napakalayo at napakalalim ng karunungan. Sino ang makakahanap nito?

Read Ang Mangangaral 7Ang Mangangaral 7
Compare Ang Mangangaral 7:15-24Ang Mangangaral 7:15-24