Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 5

Ang Mangangaral 5:13-18

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
13Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
14Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
15Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyang kamay mula sa kaniyang paggawa.
16Isa pang malubhang kasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?
17Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama ang kadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.
18Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.

Read Ang Mangangaral 5Ang Mangangaral 5
Compare Ang Mangangaral 5:13-18Ang Mangangaral 5:13-18