Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 2

Ang Mangangaral 2:4-9

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
4Nagawa ko ang mga dakilang bagay. Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili at nagtanim ng mga ubasan.
5Nagtayo ako ng mga hardin at mga liwasan para sa aking sarili; sa loob ng mga ito ay nagtanim ako nang lahat ng uri ng bungang kahoy.
6Lumikha ako ng mga lawa ng tubig upang diligan ang isang kagubatan kung saan naglalakihan ang mga puno.
7Bumili ako ng mga aliping lalaki at aliping babae; mayroon akong mga aliping isinilang sa aking palasyo. Mayroon din akong mga malalaking pag-aari na mga bakahan at mga kawan, higit na marami kaysa sa sinumang haring namuno sa Jerusalem bago ako.
8Nakapag-ipon ako para sa aking sarili ng pilak at ginto, ang mga kayamanan ng mga hari at mga lalawigan. Mayroon akong mga lalaki at babaeng mang-aawit para sa aking sarili; sa pagmamagitan ng maraming asawa at mga iba pang babaeng kinakasama, ginawa ko ang mga bagay na maaaring magdulot nang kaligayahan sa sinumang lalaki sa ibabaw ng mundo.
9Kaya ako ay naging higit na dakila at mas mayaman kaysa sa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem, at ang aking karunungan ay nanatili sa akin.

Read Ang Mangangaral 2Ang Mangangaral 2
Compare Ang Mangangaral 2:4-9Ang Mangangaral 2:4-9