Text copied!
CopyCompare
Ang Dating Biblia (1905) - Ang Mangangaral - Ang Mangangaral 10

Ang Mangangaral 10:3-10

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.
4Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.
5May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:
6Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.
7Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.
8Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.
9Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.
10Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.

Read Ang Mangangaral 10Ang Mangangaral 10
Compare Ang Mangangaral 10:3-10Ang Mangangaral 10:3-10