Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 6

1 Mga Hari 6:18-24

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
18May sedar sa loob ng templo, inukit sa hugis ng mga gurd at mga nakabukang bulaklak. Lahat ay sedar sa loob. Walang makikitang gawa sa bato doon.
19Ihihanda ni Solomon ang panloob na silid sa loob ng templo para ilagay doon ang arko ng tipan ni Yahweh.
20Ang panloob na silid ay dalawampung kubit ang haba, dalawampung kubit ang lapad, at dalawampung kubit ang taas; nilatagan ni Solomon ang mga pader ng purong ginto at tinakpan ang altar ng sedar na kahoy.
21Nilatagan ni Solomon ang loob ng templo ng purong ginto. At nilagyan niya ng tanikalang ginto ang kabilang panig na harap ng panloob na silid, at nilatagan niya ng ginto ang harapan.
22Nilatagan niya ang buong panloob ng ginto hanggang ang lahat ng templo ay matapos. Nilatagan niya rin ng ginto ang buong altar na nabibilang sa panloob na silid.
23Gumawa si Solomon ng dalawang kerubin na kahoy mula sa puno ng olibo, ang bawat isa ay sampung kubit ang taas.
24Ang isang pakpak ng unang kerubin ay limang kubit ang haba at ang isa pang pakpak nito ay limang kubit din ang haba. Kaya mula sa dulo ng isang pakpak hanggang sa kabilang dulo ng ikalawang pakpak ay mayroong sampung kubit ang agwat.

Read 1 Mga Hari 61 Mga Hari 6
Compare 1 Mga Hari 6:18-241 Mga Hari 6:18-24