Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 3

1 Mga Hari 3:3-8

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
3Minahal ni Solomon si Yahweh, lumalakad sa mga alituntunin ni David na kaniyang ama, maliban na nag-alay siya at nagsunog ng insenso sa mga dambana.
4Pumunta ang hari sa Gibeon para mag-alay doon, dahil iyon ang malaking dambana. Naghandog si Solomon ng isang libong susunuging handog sa altar na iyon.
5Nagpakita si Yahweh sa Gibeon kay Solomon sa isang panaginip isang gabi; sinabi niya, “Humiling ka! Ano ang ibibigay ko sa iyo?”
6Kaya sinabi ni Solomon, “Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan sa iyong lingkod, si David, aking ama, dahil lumakad siya sa harap mo nang may pagtitiwala, katuwiran, at kabutihan ng puso. Iningatan mo ang dakilang katapatan sa tipan na ito para sa kaniya at binigyan mo siya ng anak na lalaki para maupo sa trono niya ngayon.
7At ngayon, Yahweh na aking Diyos, ginawa mong hari ang iyong lingkod kapalit ni David na aking ama, kahit na isa lamang akong bata. Hindi ko alam kung paano lumabas o pumasok.
8Ang iyong lingkod ay nasa kalagitnaan ng mga taong pinili mo, dakilang bayan, masyadong marami para itala o bilangin.

Read 1 Mga Hari 31 Mga Hari 3
Compare 1 Mga Hari 3:3-81 Mga Hari 3:3-8