Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 2

1 Mga Hari 2:6-39

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
6Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan.
7Subalit, magpakita ka ng kabaitan sa mga anak na lalaki ni Barsilai na taga-Galaad, at hayaan mo silang makasama sa mga kumakain sa iyong mesa, dahil pumunta sila sa akin noong tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.
8Tingnan mo, kasama mo si Semei na anak ni Gera, ang Benjaminita ng Bahurim, na sinumpa ako ng isang napakasamang sumpa noong araw na pumunta ako sa Mahanaim. Bumaba si Semei para salubungin ako sa Jordan, at sumumpa ako sa kaniya kay Yahweh, sinasabi ko, 'Hindi kita papatayin gamit ang espada.'
9Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.”
10Pagkatapos, nahimlay na si David kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David.
11Ang mga araw na naghari si David sa Israel ay apatnapung taon. Naghari siya sa Hebron ng pitong taon at sa Jerusalem ng tatlumpu't tatlong taon.
12Pagkatapos naupo si Solomon sa trono ng kaniyang ama na si David, at ang kaniyang pamumuno ay naging matatag.
13Pagkatapos, pumunta si Adonias na anak ni Haguit kay Batsheba na ina ni Solomon. Sinabi niya, “Pumunta ka ba dito nang may kapayapaan?” Sinagot niya, “Mapayapa.”
14Pagkatapos ay sinabi niya, “Mayroon akong nais sabihin sa iyo.” Kaya sumagot siya, “Magsalita ka.”
15Sinabi ni Adonias, “Alam mo na ang kaharian ay sa akin, at inasahan akong maging hari ng buong Israel. Gayunpaman, bumaliktad ang naganap sa kaharian at napunta sa aking kapatid, dahil ito ay sa kaniya mula kay Yahweh.
16Ngayon mayroon akong isang kahilingan sa iyo. Huwag mo akong tanggihan.” Sinabi sa kaniya ni Batsheba, “Magsalita ka.”
17Sinabi niya, “Pakiusap, kausapin mo si Solomon na hari, dahil hindi ka niya tatanggihan, para ibigay niya sa akin si Abisag na taga-Sunem bilang aking asawa.”
18Sinabi ni Batsheba, “Kung ganoon, kakausapin ko ang hari.”
19Kaya pumunta si Batsheba kay Haring Solomon para kausapin siya para kay Adonias. Tumayo ang hari para salubungin siya at yumuko siya sa kaniya. Pagkatapos ay naupo siya sa kaniyang trono at nagpakuha ng trono para sa ina ng hari. Naupo siya sa bandang kanang kamay niya.
20Pagkatapos, sinabi niya, “Gusto kong humiling ng isang maliit na kahilingan sa iyo; huwag mo akong tanggihan.” Sinagot siya ng hari, “Humiling ka, aking ina, dahil hindi kita tatanggihan.”
21Sinabi niya, “Ibigay mo si Abisag na taga-Sunem kay Adonias na iyong kapatid bilang kaniyang asawa.”
22Sumagot si Haring Solomon at sinabi sa kaniyang ina, “Bakit mo hinihingi si Abisag na taga-Sunem para kay Adonias? Bakit hindi mo rin hingin ang kaharian para sa kaniya, dahil siya ang aking nakatatandang kapatid—para sa kaniya, para kay Abiatar na pari, at para kay Joab na anak ni Zeruias?”
23Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay.
24Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.”
25Kaya pinadala ni Haring Solomon si Benaias na anak ni Joiada at nahanap ni Benaias si Adonias at pinatay siya.
26At kay Abiatar na pari, sinabi ng hari, “Pumunta ka sa Anatot, sa sarili mong bukirin. Dapat kang patayin, pero hindi kita papatayin sa oras na ito, dahil binuhat mo ang kaban ng tipan ng Panginoong si Yahweh sa harap ni David na aking ama at kasama kang naghirap sa bawat paghihirap ng aking ama.”
27Kaya inalis ni Solomon si Abiatar mula sa pagiging pari ni Yahweh, para matupad niya ang salita ni Yahweh, na sinabi niya tungkol sa sambahayan ni Eli sa Silo.
28Dumating ang balita kay Joab, dahil sinuportahan ni Joab si Adonias, pero hindi niya sinuportahan si Absalom. Kaya pumunta si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.
29Sinabi kay Haring Solomon na si Joab ay tumakas papunta sa tolda ni Yahweh at ngayo'y nasa tabi ng altar. Kaya sinugo ni Solomon si Benaias na anak ni Joiada, sinasabi niya, “Humayo ka, patayin mo siya.”
30Kaya pumunta si Benaias sa tolda ni Yahweh at sinabi sa kaniya, “Ang sabi ng hari, 'Lumabas ka.'” Sumagot si Joab, “Hindi, mamamatay ako dito.” Kaya bumalik si Benaias sa hari, sinasabi niya, “Sinabi ni Joab na gusto niyang mamatay sa altar.”
31Sinabi sa kaniya ng hari, “Gawin mo kung ano ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, para maalis mo mula sa akin at sa sambahayan ng aking ama ang dugo na pinadanak ni Joab nang walang dahilan.
32Nawa'y ibalik ni Yahweh ang dugo sa kaniyang sarili, dahil nilusob niya ang dalawang lalaking mas matuwid at mas mabuti kaysa sa kaniya at pinatay sila gamit ang espada, sila Abner na anak ni Ner, ang kapitan ng hukbo ng Israel, at Amasa na anak ni Jeter, ang kapitan ng hukbo ng Juda, nang hindi nalalaman ng aking amang si David.
33Kaya nawa ang dugo nila ay bumalik sa ulo ni Joab at sa ulo ng kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Pero kay David at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, at kaniyang sambahayan, at sa kaniyang trono, nawa'y magkaroon ng kapayapaan mula kay Yahweh magpakailanman.”
34Pagkatapos, umalis si Benaias na anak ni Joiada at sinalakay si Joab at pinatay siya. Inilibing siya sa kaniyang sariling bahay sa ilang.
35Nilagay ng hari si Benaias na anak ni Joiada sa hukbo kapalit niya, at nilagay niya si Sadoc na pari kapalit ni Abiatar.
36Pagkatapos ay pinadala at pinatawag niya si Semei, at sinabi sa kaniya, “Magtayo ka ng bahay sa Jerusalem at manirahan doon, at huwag kang lalabas mula doon papunta kahit saang lugar.
37Dahil sa araw na umalis ka, at dumaan sa Lambak ng Kidron, dapat mong malaman na tiyak kang mamamatay. Ang dugo ay mapupunta sa iyong sarili.”
38Kaya sinabi ni Semei sa hari, “Ang sinasabi mo ay mabuti. Tulad ng sinabi ng aking panginoon na hari, gagawin ng iyong lingkod.” Kaya nanirahan si Semei sa Jerusalem nang maraming araw.
39Pero sa pagtatapos ng tatlong taon, dalawa sa mga lingkod ni Semei ay tumakas papunta kay Achish na anak ni Maaca na hari ng Gat. Kaya sinabi nila kay Semei, “Tingnan mo, ang mga lingkod mo ay nasa Gat.”

Read 1 Mga Hari 21 Mga Hari 2
Compare 1 Mga Hari 2:6-391 Mga Hari 2:6-39