Text copied!
CopyCompare
Banal na Bibliya - 1 Mga Hari - 1 Mga Hari 22

1 Mga Hari 22:22-41

Play LogoGoogle Play  APK Logo APK
Click on verse(s) to share them!
22Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang mapanlinlang na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Uudyukan mo siya, at ikaw rin ay magtatagumpay. Pumunta ka na ngayon at gawin iyon.'
23Ngayon masdan mo, inilagay ni Yahweh ang mapanlinlang na espiritu sa lahat ng bibig nitong mga propeta mong ito, at si Yahweh ay naghanda ng pagkawasak para sa iyo.”
24Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”
25Sumagot si Micaya, “Masdan ito, malalaman mo sa araw na iyon, kapag tumakbo ka papunta sa isang kaloob-loobang kwarto para magtago.”
26Sinabi ng hari ng Israel sa kaniyang lingkod, “Hulihin si Micaya at dalhin siya kay Amon, ang gobernador sa lungsod, at kay Joas, aking anak na lalaki. Sabihin sa kaniya,
27'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'”
28Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.”
29Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay pumunta sa Ramot Galaad.
30Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa isang labanan, pero isuot mo ang iyong pangharing kasuotan.” Kaya nagbalatkayo ang hari at nagpunta sa labanan.
31Ngayon inutusan ng hari ng Aram ang tatlumpu't dalawang mga kapitan ng mga karwaheng pandigma, na nagsasabi, “Huwag niyong lusubin ang hindi mahalaga o mahalagang mga kawal. Sa halip, ang hari ng Israel lamang ang lusubin ninyo.”
32Nang makita ng mga kapitan ng mga karwaheng pandigma si Jehoshafat sinabi nila, “Siguradong iyon ang hari ng Israel.” Lumiko sila at nilusob siya, kaya sumigaw si Jehoshafat.
33Nang makita ng mga pinuno ng mga karwaheng pandigma na hindi iyon ang hari ng Israel, huminto sila sa pagtugis sa kaniya.
34Ngunit isang lalaki ang basta nalang nagpalipad ng kaniyang palaso at tinamaan ang hari ng Israel sa pagitan ng dugtungan ng kaniyang mga baluti. Pagkatapos sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwaheng pandigma, “Umikot at dalhin ako palabas sa labanang ito, dahil lubha akong sugatan.”
35Lalong sumidhi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ay nanatili sa kaniyang karwaheng pandigma laban sa mga Arameo. Namatay siya ng gabing iyon. dumaloy ang dugo sa kaniyang sugat hanggang sa ilalim ng kaniyang karwaheng pandigma.
36Pagkatapos ng paglubog ng araw, isang sigaw ang narinig ng buong hukbo, na nagsasabing, “Bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon!”
37Kaya si haring Ahab ay namatay at dinala sa Samaria, at inilibing nila siya sa Samaria.
38Hinugasan nila ang karwaheng pandigma sa paliguan ng Samaria, at ang mga aso ay dinilaan ang kaniyang dugo (Ito ay kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran), gaya ng inihayag na salita ni Yahweh.
39Para sa ibang bagay na ukol kay Ahab, lahat ng kaniyang ginawa, ang bagay na garing na kaniyang itinayo, at lahat ng mga lungsod na kaniyang itinatag, hindi ba nakasulat ito sa Ang Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
40Kaya natulog si Ahab kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Ahazias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
41Pagkatapos si Jehoshafat anak na lalaki ni Asa ay nagsimulang maghari sa Juda sa ikaapat na taon ni Ahab hari ng Israel.

Read 1 Mga Hari 221 Mga Hari 22
Compare 1 Mga Hari 22:22-411 Mga Hari 22:22-41